Nananatili pa ring mataas ang presyuhan ng manok sa mga palengke sa kabila ng pagbaba ng presyo nito sa mga manukan.
Ayon kay Bong Inciong, presidente ng United Broilers Association, hindi napapakinabangan ng konsyumer ang pagpapataw ng suggested retail price (SRP) ng gobyerno sa manok dahil mahal pa rin ang benta nito sa mga palengke.
Batay sa impormasyon ng kanilang grupo, bumaba ang farm gate price ng manok sa P80.00 kada kilo mula P100.00 kada kilo simula Hulyo.
Ibig sabihin aniya, dapat naglalaro na sa P130.00 hanggang P140.00 ang presyo ng kada kilo ng manok sa mga pamilihan.
Ngunit batay sa kanilang monitoring ang ilang pamilihan gaya sa Quezon City, pumapalo sa P160.00 hanggang P170.00 ang kada kilo ng manok.
Samantala, aminado naman ang Department of Trade and Industry (DTI) na nahihirapan silang ipatupada ang SRP dahil sa kakulangan ng tao.