Muling tumaas ang presyo ng manok sa ilang pamilihan.
Sa Kamuning Market sa Quezon City at Pasig Mega Market, umabot na sa 150 hanggang 160 pesos ang kada kilo ng manok kumpara sa dating 130 hanggang 140 pesos.
Ang mainit na panahon ang isa sa nakikitang dahilan ng mga nagtitinda sa pagmahal ng manok.
Gayunman, naniniwala si Agriculture Secretary Manny Piñol na dahil ito sa pagbagsak ng presyo noong isang taon kaya’t maraming poultry raiser ang nagbawas ng mga alagang manok sa kanilang farm.
Samantala, aminado naman si United Broilers Association of the Philippines President Bong Inciong na pinaghahandaan na nila ang pagpasok ng tag-init upang maiwasan ang pagkamatay ng mga manok.
Tiniyak din ni Inciong na nagpapatuloy ang kanilang paggawa ng mga paraan upang maiwasan ang muling pagkalat ng bird flu sa mga poultry farm.