Bumaba nang P10 hanggang P20 ang presyo ng kada kilo ng manok sa ilang palengke sa Metro Manila batay sa price bulletin ng Department of Agriculture (DA).
Sa Litex Market, bumaba sa 160 pesos hanggang 170 pesos ang kada kilo ng manok habang P150 hanggang P160 pesos kada kilo naman sa Commonwealth.
Samantala, stable naman ang presyo ng gulay tulad ng:
- LABANOS- NA NASA 60 PESOS KADA KILO
- PATATAS- P60/KILO
- BAGUIO BEANS – P90/KILO
- CARROTS – P120/KILO
- REPOLYO – P80/KILO
- KAMATIS – P60/KILO
- KALAMANSI – P60/KILO
- BAWANG – P100 PER KILO
- RED ONION – P140/KILO
- SILING LABUYO – P400/KILO