Umakyat na sa mahigit ₱200 ang presyo ng kada kilo ng manok sa ilang pamilihan sa Metro Manila isang buwan bago ang Pasko.
Sa tala ng bantay presyo ng Department of Agriculture, naglalaro na sa ₱150 hanggang ₱210 ang kada kilo ng manok sa National Capital Region.
Mas mahal ito kumpara sa ₱130 hanggang ₱200 noong nakaraang linggo.
Paliwanag ng United Broiler Raisers Association, tumaas ang farmgate price ng manok sa ₱114 kada kilo ngayon, kaysa sa ₱68 kada kilo noon, dahil sa limitado nitong supply.
Dagdag pa ng UBRA, kahit pa mag-alaga ng manok ngayon, hindi na aabot ang karagdagang supply sa pasko kung kailan mataas ang demand nito. - sa panulat ni Charles Laureta