Tumaas ng P10 hanggang P15 ang presyo ng manok sa ilang pamilihan sa Quezon City.
Sa Mega Q-Mart, ang dating 140 pesos per kilo ng manok ay nasa 150 hanggang 155 pesos na ngayon.
Paliwanag ni Atty. Elias Jose Inciong, Pangulo ng United Broilers Raisers Association, dahil ito sa mataas na demand ng manok ngayong Kapaskuhan.
Tiniyak naman ni Inciong na sapat ang suplay ng manok kahit pa libu-libo nito ang pinatay dahil sa pagtama ng bird flu sa Nueva Ecija noong Agosto.
Dagdag pa ni Inciong, hindi naapektuhan ng bird flu na napabalita noong Biyernes ang mga manok na pang ‘meat production’ o yung mga kinakaing karne ng manok.
Nauna rito, tiniyak ng Department of Agriculture o DA na kontrolado nila ang sitwasyon sa mga manukan sa Cabiao, Nueva Ecija.
—-