Inaasahang mas bababa pa ang presyo ng karne ng manok sa ilang pamilihan sa Metro Manila sa mga susunod pa na araw.
Ayon sa pangulo ng United Broilers Raisers Association Atty. Jose Elias Inciong, base sa kanilang monitoring, aabot sa 170 pesos ang kada kilo ng manok pero bumaba na ito kahapon sa 160 pesos kada kilo.
Sinabi ni Inciong na ang pabago bago sa presyo ng produkto ng manok ay bunsod ng mahinang demand sa nakalipas na araw.
Bukod pa dito, tumaas din ang presyo ng mga patuka tulad ng mais at pagsirit ng kaso ng COVID-19 noong buwan ng Enero. —sa panulat ni Angelica Doctolero