Mas mahal ang presyo ng manok sa palengke kaysa mga supermarket.
Batay sa ulat, umaabot sa 160 hanggang 165 pesos ang isang kilo ng manok na malayo sa suggested retail price o SRP na 120 pesos.
Dahil dito ipinayo ng Department of Trade and Industry (DTI) na mas mabuti pang sa grocery pa bumili ng manok kaysa sa palengke.
Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez, mas sumusunod pa ang mga grocery sa SRP ng manok.
Kasabay nito, hinimok ni Lopez ang publiko na isumbong ang mga abusadong negosyante na lumalabag sa itinakdang SRP.
—-