Bumaba na ang presyo ng manok sa mga poultry farm.
Ito ang inihayag ng United Broilers Raisers Association (UBRA) sa panayam ng DWIZ dahil sa matumal na bentahan at pagdami ng suplay bunsod ng gumagandang performance ng manukan.
Aniya, nasa bente pesos ang halaga ng presyo na ibinaba sa mga farmgate kayat nalulugi na ang mga nag-aalaga ngayon.
Tutol din ang grupo sa paglalagay ng retail price o srp sa ilang produkto ng manok dahil sa taas-baba na presyo nito.
Samantala, humingi naman ang grupo ng pag-unawa sa publiko lalo na ngayon nalalapit na ang ‘ber’ months dahil hindi pa rin bumabalik sa demand conditions noong bago magpandemya ang naturang suplay.