“Kulang sa suplay ng manok,”
Ito ang dahilan ng mga tindera sa Pasay City Public Market kung kaya’t nagtaas sila ng P10.00 sa kada kilo ng karneng manok ngayong araw.
Presyo ng manok:
- P170.00 (buo) – dating P160.00
- P180.00 choice cut – dating P170.00
Kapansin-pansin din na maliliit ang mga manok ngayon –kahit hindi pa nasa hustong laki ay hina-harvest na ang mga manok para may maisuplay sa mga palengke.
Inaasahan pang tataas ang presyo hanggang bagong taon.
Samantala, mababa pa rin ang presyo ng baboy –ngunit ayon sa mga tindera, kahit papaano ay nabibili na ang kanilang mga panindang karne ng baboy dahil hindi na anila napag-uusapan sa balita ang ukol sa African Swine Fever (ASF).
Presyo ng baboy:
- Laman – P180.00
- Pork chop, pigue at kasim – P180.00
- Liempo – P240.00
- Pata – P165.00 (harap) at P120.00 (likod)