Inihayag ni United Broiler Raisers Association Chairman Gregorio San Diego Jr., na pumalo sa sampung piso ang itinaas sa presyo sa kada kilo ng manok.
Nabatid na sa kasalukuyan, nasa average na P115 ang kada kilo ng farmgate price ng buhay na manok kung saan, sakaling dumating ito sa palengke ay madaragdagan pa ito ng P60 kada kilo.
Isa sa itinuturong dahilan ni San Diego sa pagtaas ng presyo sa poultry products ay ang pagbaha ng imported na manok sa bansa.
Ayon kay San Diego, patuloy parin silang nakikiusap sa Department of Agriculture upang ihinto pansamantala ang importasyon ng manok dahil sa posibleng maging epekto nito sa mga local farmers. —sa panulat ni Angelica Doctolero