Tumaas ng P15 ang kada kilo ng manok sa Marikina Public Market sa loob lang ng 3 araw.
Dahil dito, umakyat ito sa P160 kada kilo ng manok mula sa P145.
Ayon sa mga nagtitinda mataas ang benta sa kanila ng mga supplier kaya binawasan muna nila ang kanilang inaangkat na manok.
Una nang sinabi ng United Broiler Raisers Association na walang problema sa suplay ng manok sa bansa.