Nakikipag-ugnayan na ang Department of Agriculture (DA) sa attached agency nito na nangangasiwa sa suplay ng mantika.
Ito ay dahil sa reklamo na diumano’y tumataas ang presyo ng mantika kada buwan.
Ayon kay DA Undersecretry Kristine Evangelista, kausap na nila ang Philippine Coconut Authority (PCA) upang matukoy ang supply situation ng nasabing produkto.
Paliwanag niya, nakabatay sa sitwasyon ang hakbang na kailangang ipatupad ng kagawaran upang matugunan ang problema sa presyo ng mantika.
Halimbawa na aniya rito kung dapat silang magtakda ng suggested retail price (SRP).
Iginiit naman ni Evangelista na sa ngayon ay hindi pa nila masasabi kung may kakulangan sa suplay ng naturang produkto.