Posibleng tumaas ang presyo ng ilang produktong pang-agrikultura sa mga susunod na linggo.
Ito ang sinabi ni samahang industriya ng agrikultura o SINAG president Rosendo So dahil sa pagtaas ng halaga ng raw materials.
Bukod dito, madadagdagan din ang presyo ng mga gulay at isda tulad ng bangus na posibleng tumaas sa 135 pesos kada kilo mula sa 85 pesos habang 30 pesos ang itataas sa kada kilo ng tilapia.
Maglalaro naman sa 330 pesos hanggang 340 pesos ang kada kilo ng baboy sa Luzon habang asahan din ang pagtaas ng presyo ng manok.
Samantala, wala namang nakikitang price increase sa bigas—sa panulat ni Airiam Sancho