Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi apektado sa domino effect na dulot ng patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo ang presyo ng mga bilihin sa merkado sa bansa.
Sa naging interview ng DWIZ kay DTI Assistant Secretary Ronnel Abrenica, iginiit nito na bagama’t may pagbabadya ng taas presyo sa mga pamilihan ay hindi ito sanhi ng paglobo ng presyo ng krudo na dulot ng sigalot ng Russia at Ukraine.
Samantala, sinabi ni Abrenica na nagpapatuloy ang mga programa ng ahensiya tulad ng “Presyong Resonable Dapat” at “Diskwento Caravan” sa iba’t ibang lugar sa bansa. - sa panulat ni Mara Valle