Inaasahang mananatiling mataas ang presyo ng mga bilihin sa mga nalalabing buwan ng taong 2022.
Bunsod ito ng mataas na transport at food costs, na dala ng humihinang halaga ng piso at pinsalang dulot ng Bagyong Karding sa sektor ng agrikultura.
Nito lamang Setyembre, bumilis sa 6.9% ang inflation rate kumpara sa 6.3% noong Agosto dahil sa mas mahal na pagkain at utilities sa gitna ng mataas na presyo ng oil products.
Ayon kay National Statistician Dennis Mapa, pinaka-lantad sa inflation ang pagkain na inaasahang magmamahal sa Nobyembre hanggang Disyembre.
Inihayag naman ng Department of Finance na isa sa mga paraan upang mapabagal ang inflation ay tutukan ang domestic supply ng pagkain at iba pang commodity prices.
Kabilang na rito ang pagpapaigting na tulong ng gobyerno sa mga magsasaka, gaya ng pamamahagi ng fertilizer at libreng binhi.