Pinababantayan ng Office of civil defense sa department of trade and industry ang posibleng pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa gitna ng pag-iral ng El Niño sa bansa.
Iginiit ni ocd administrator at undersecretary ariel nepomuceno na maaaring samantalahin ng mga negosyante ang panahon ng tagtuyot, kaya’t mabuting mamonitor ng DTI ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
Binigyang diin pa ni Usec. Nepomuceno ang mandato ng DTI na bantayan ang presyo ng mga pangunahing bilihin upang maibsan ang paghihirap ng mga mamimili.
Matatandaang inanunsyo ng OCD na pupulungin nito ang National El Niño Team sa Hulyo 19 upang plantsahin ang mga paghahanda at pagtugon sa matinding epekto ng matinding tagtuyot sa bansa.