Halos aabot sa tatlumpu’t dalawang (32) porsyento ang itinaas ng presyo ng ilang pangunahing bilihin.
Batay sa datos ng Laban Konsyumer mula Disyembre 2017 hanggang Hunyo ng taong ito, tatlo (3) hangang labing isang (11) porsyento na ang itinaas ng presyo ng sardinas o mula pitumpu’t limang sentimos (P0.75) hanggang piso at apatnapung sentimo (P1.40).
Dalawa hanggang tatlumpu’t dalawang porsyento naman umano ang itinaas ng canned meat tulad ng corned beef o pagtaas ng pitumpu’t limang sentimo (P0.75) hanggang walong piso at pitumpung sentimo (P8.70).
Dahil dito, hiniling ng Laban Konsyumer sa Department of Trade and Industry o DTI na palawakin ang listahan ng mga produktong may suggested retail price o SRP.
Gayunman, ayon sa DTI, maituturing nang price control kapag pinalawak pa ang sakop ng SRP.
—-