Nagsimula nang magmahal ang mga bilog na prutas, limang araw bago ang pagdiriwang ng bagong taon.
Sa pag-iikot ng DWIZ sa Divisoria, Maynila, naglalaro na sa P15 pataas ang kada piraso ng mansanas habang mayroon ding nagbebenta ng P50 kada pack ng limang piraso;
P50 hanggang P70 ang kada kilo ng kiat-kiat;ubas, P200 kada kilo; ponkan, P10 kada piraso; orange o kahel, P25 kada piraso; peras, P30 kada piraso at lemon, P20 kada piraso.
Inaasahang tataas pa ang demand sa prutas habang papalapit ang tradisyunal na media noche pero inihahanda na ng mga nagtitinda ang kanilang stock para sa mga last-minute buyer.
Samantala, nananatiling mataas ang presyo ng karneng baboy at manok sa ilan pang pamilihan.