Nagsimula nang pumalo ang presyo ng mga prutas sa merkado dalawang araw bago ang Bagong Taon.
Sa pag-iikot ng DWIZ patrol, ang dating P10 kada isang mansanas ay mabibili na ngayon ng P50 ang tatlong piraso.
Bente pesos (P20) naman ang kada piraso ng peras, 60 hanggang 120 pesos ang kada piraso ng pakwan depende sa laki, 20 hanggang 60 pesos ang kada piraso ng melon at hanggang 80 piso naman ang kada piraso ng suha.
Mabibili ang kiat-kiat ng 50 hanggang 65 ang kada balot, 50 pesos naman ang kada kilo ng papaya, 150 pesos ang kada kilo ng manggang hinog at 250 pesos naman ang kada kilo ng ubas.
Inaasahang mas magmamahal pa ang presyo ng mga prutas bukas bisperas ng Bagong Taon.
Bahagi na ng hapag ng bawat Pilipino ang mabibilog na prutas tuwing Bagong Taon dahil sa paniniwalang magdadala ito ng swerte.
By Rianne Briones