Lalo pang tumaas ang presyo ng mga bilog na prutas tatlong araw bago ang pagsalubong sa bagong taon.
Batay sa pag iikot ng DWIZ patrol sa Divisoria, ang dating 10-piso kada isang peras ay mabibili na ng 20 pesos ang isa at ang ubas na dating 150 pesos kada kilo ay 170 pesos na.
Ang ponkan ay mabibili na sa 25 pesos kada dalawang piraso na dati ay sampung piso lamang habang ang kyat – kyat na 50 pesos ang kada balot ay mabibili na ngayon sa halagang 70 pesos kada balot.
Mabibili naman ng 20 pesos kada isang piraso ang mansananas, ang chico 70 pesos kada kilo, dalandan 30 pesos kada kilo, longan 150 kada kilo at pakwan 150 pesos kada isang piraso.
Inaasahang magmamahal pa ang naturang mga prutas dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga mamimili simula sa bukas.