Dumoble na at posibleng sumipa pa sa susunod na dalawang araw ang presyo ng mga bilog na prutas sa Divisoria sa Maynila.
Ayon sa mga fruit vendor sa Divisoria, P200 na ang kada kilo ng ubas at tig-P100 naman ang presyo ng kada kilo ng chico at longgan.
P100 rin ang kada apat na piraso ng mansanas at persemone, P100 din ang kada tatlong piraso ng peras at P50 kada isang balot ng kiat kiat.
Ang kiwi ay P40 kada piraso, P50 ang isang melon at P130 ang bawat isa ng pakwan.
Mabibili rin sa P150 ang kada kalahating kilo ng castanias.