Nananatiling stable ang presyo ng mga prutas na bilog na inihahanda tuwing mag-ba-Bagong Taon.
Sa Balintawak Market, Quezon City, naglalaro sa 20 pesos kada kilo ng dalandan; 10 pesos sa kada piraso ang fuji apple; 50 pesos sa kada balot ng kiat-kiat; 5 pesos kada piraso ng ponkan habang nasa 30 hanggang 50 pesos ang pomelo gayundin ang pakwan.
Inaasahan ding tataas ng sampu hanggang singkwenta pesos ang presyo ng mga prutas na bilog habang papalapit ang bisperas ng Bagong Taon.
Bukod sa Balintawak, kabilang din sa tinutukan ng ang panindang prutas sa Divisoria, Maynila at Baclaran, Pasay.
By Drew Nacino