Patuloy ang pag – akyat ng presyo ng mga bilog na prutas, dalawang araw bago ang pagsalubong sa bagong taon.
Nabatid na dumoble na ang dating P10.00 halaga ng kada isang peras at P20.00 naman ang itinaas ng dating P150.00 na halaga ng kada kilo ng ubas.
Samantala, ang ponkan ay mabibili na sa P25.00 kada dalawang piraso gayung P10.00 lamang ito dati.
Gayundin ang kiat – kiat na P70.00 na kada balot mula sa dating P50.00.
P20.00 naman ang kada isang piraso ng mansanas; P70.00 ang kada kilo ng chico; P30.00 ang kada kilo ng dalandan; P150.00 ang longan bawat kilo; at P150.00 ang kada piraso ng pakwan.
Inaasahang tataas pa ang presyo ng mga naturang bilog na prutas dahil sa pagdagsa pa ng mga mamimili simula ngayong Sabado, Disyembre 30.