Unti – unti nang tumataas ang presyo ng bilog na prutas ilang araw bago ang bagong taon.
Sa Mega Q Mart, nasa P150 hanggang P180 ang kilo ng hinog na mangga mula sa dating P140 kada kilo.
Mabibili ang pakwan sa 70 hanggang 150 kada piraso depende sa laki habang P40 hanggang P60 kada piraso ang pinya.
Ang seedless na ubas na dating 250 lamang ang kada kilo ay mabibili na ng P300 ang kada kilo.
Wala namang naitalang paggalaw sa presyo ng sumusunod na prutas: kiat kiat – P50 ang kada kilo, mansanas na maliit P10 kada piraso habang ang malaki ay P25 kada piraso, peras P25 kada piraso, lemon P18 kada piraso, kiwi P20 kada piraso, orange P25 kada piraso at ponkan na maliit P10 ang isang piraso.
Inaasahan naman na patuloy ang magiging pag galaw ng presyo ng mga bilog na prutas habang papalapit ang bagong taon.