Nasa regular pa rin ang presyo ng mga bulaklak isang linggo bago sumapit ang Araw ng mga Puso o Valentine’s Day.
Ayon sa ilang mga tindera sa Dangwa sa Maynila, dapat samantalahin na ng mga lalaki ang pagbili ng mga bulaklak bago tuluyang tumaas ang presyo nito.
Kadalasan anila kasing tumataas ang presyo ng bulaklak habang papalapit ang Araw ng mga Puso.
Batay sa monitoring, mabebenta sa P250 pesos kada dosena ang red roses sa Dangwa.
By Jaymark Dagala