Apektado ng nagdaang bagyo ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa vendors, pahirapan ang pagdating ng mga bulaklak mula sa Baguio dahil hindi pa madaanan ang maraming lugar pababa ng Maynila.
Sa ngayon ay nasa 200 pesos ang halaga ng isang dosena ng rosas mula sa dating 180 pesos.
Nagbabala pa ang mga flower vendors sa Dangwa sa napipintong pag-akyat pa ng presyo ng bulaklak dahil ilang araw na lamang ay gugunitain na ang Araw ng mga Patay.
By Judith Larino | Aya Yupangco (Patrol 5)