Dumoble ang itinaas sa presyo ng mga itinitindang bulaklak sa ilang pamilihan sa Metro Manila, ilang araw bago ang February 14 o Valentine’s day.
Ayon sa mga nagtitinda, ito’y dahil tumaas din ang kanilang puhunan dahil sa pagtataas ng presyo ng kanilang supplier.
Batay sa ulat, umabot na sa P1,500 ang presyo ng isang dosenang red roses, mula sa dating P700 sa farmers garden sa Araneta City, Cubao, Quezon City.
Nagkakalahaga naman ng P1,000 mula sa dating P500 pesos Habang nasa P2,000 ang special bouquet, na dating P1,000 lamang.
Ibenebenta naman ang tatlong sunflowers sa halagang P2,000 na dating nasa P1,300 .
Bagaman kapansin-pansin na hindi pa gaanong marami ang mga dumarayo sa dangwa, inaasahan ng mga nagtitinda na dadagsa ang mga mamimili habang papalapit ang araw ng mga puso, sa Miyerkules. – sa panunulat ni Maianne Dae Palma