Sumirit pa ang presyo ng mga bulaklak habang papalapit ang undas.
Sa pag-iikot ng DWIZ sa Dangwa market sa Sampaloc, Maynila, dalawampung porsyento na ang itinaas ng presyo ng mga imported at lokal na bulaklak.
Mula sa dating 150 hanggang 250 pesos, nasa 300 pesos na ang presyo ng isang dosenang puting rosas; 350 sa pulang rosas mula sa dating 300; isang dosenang Malaysian mums, 140 hanggang 180 pesos mula sa dating 100 pesos; Anthuriums, originally priced, 350 hanggang 450 pesos per basket mula sa dating 150; Chrysanthemum, 200 pesos mula sa datin 180; Carnation, 250 mula sa dating 180 pesos; Orchids, 500 mula sa dating 400 pesos; isang bundle ng Gerbera na may Stargazer 200 pesos mula sa dating 150 pesos.
Samantala, inihayag ng Department of Trade and Industry na nananatili ang price freeze sa mga kandila kahit hindi undas dahil sa pangangailangan ng mga biktima ng mga nagdaang bagyo na walang kuryente.
By Drew Nacino