Pinababantayan ng isang kongresista sa Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng mga cooling appliances sa bansa ngayong tag-init.
Ito ay matapos magsilabasan ang ilang concern tungkol sa mga tindahan na nagtataas ng presyo, upang samantalahin ang mataas na demand sa cooling appliances ngayong summer.
Ayon kay Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman, kailangang matiyak ng DTI na abot-kaya pa rin ang mga appliances gaya ng electric fan at air conditioning sets, lalo’t maraming sambahayan ang maaaring mangailangan ng mga ito.
Inamin naman ni Representative Roman na ilang mamimili ang nakapansin na ng pagtaas ng presyo ng kagamitan sa paglamig, na maituturing na nakakabahala.
Noong nakaraang linggo, unang sinabi ng pagasa na aabot sa walumpung porsyento ang posibilidad na maideklara ang El Niño mula hunyo hanggang Agosto.
Maaari itong humantong sa mga heat wave na posibleng magkaroon ng masamang epekto, sa kalusugan ng publiko.