Posibleng tumaas ang presyo ng mga gulay at bigas sa kabila ng ipinatutupad na bigtime rollback sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.
Ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), ngayon pa lang kasi ipapatupad ng mga magsasaka sa kanilang production cost ang nasa P60 hanggang P70 ang presyo ng kada litro ng petrolyo.
Sinabi ni SINAG Chairman Rosendo So, umaasa ang magsasaka na ipapatong ito sa kanilang produkto para hindi malugi.
Una nang nagtaas ang presyo ng manok at ilang klase ng gulay.
Ipinabatid pa ng grupo na maliit ang P500M pondo para sa fuel subsidy ng mahigit 10M magsasaka sa buong bansa.