Posibleng bawasan ang administrative fee at iba pang bayarin sa mga isusubastang naka impound na mga sasakyan.
Ayon ito kay Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz III sa gitna na rin nang pag aaral nila sa nasabing hakbangin.
Batay sa department order, nasa 100 pesos ang impounding fee habang 15 pesos naman ang storage fee kada araw.
Ang hakbang ng LTO ay kasunod na rin ng reklamo ng mga nagtutungo sa auction ng ilang tanggapan ng LTO dahil kasing mahal anila ng bagong motorsiklo ang mga ipinasusubasta kahit hindi na umaandar.