Nag-ikot sa ilang supermarket sa Metro Manila ang Department of Trade and Industry sa pangunguna ni Undersecretary Ted Pascua upang inspeksyunin ang presyo ng mga Noche Buena items, 12 araw bago ang Pasko.
Kabilang sa ininspeksyon nina Pascua ang SM at Puregold sa Cubao, Quezon City kung saan natiyak nilang pasok sa S.R.P. ang presyo ng Pinoy Tasty, pandesal, mayonnaise, sandwich spread, manok, hamon, keso de bola, fruit cocktail.
Sa monitoring ng DTI, naglalaro sa 238 hanggang 525 Pesos ang kada isang kilo ng hamon; kalahating kilo ng queso de bola, 247 hanggang 391 Pesos at spaghetti sauce, 42 hanggang 81 Pesos ang kada isang kilo.
Samantala, pinayuhan ni Pascua ang mga consumer na mamili ng maaga upang hindi maabutan ng mas mataas na presyo.