Ibinabala ng grupo ng mga supermarket owner ang posible pang pagtaas ng presyo ng mga noche buena product, apat na araw bago mag-pasko.
Ayon sa Philippine Amalgamated Supermarkets Association (PAG-ASA), maaaring tumaas ang presyo ng mga pagkain matapos nilang ibenta ang kasalukuyang mga stock.
Napilitan din silang bumili ng supply sa ibang manufacturer bukod pa sa kanilang mga regular na supplier.
Una nang inihayag ng Department of Trade and Industry na nananatiling stable ang presyo pero patuloy nilang babantayan ang naka-ambang pagmahal ng ilang produkto. —sa panulat ni Jenn Patrolla