Nakapagtala ng mataas na rekord ang presyo ng mga pagkain sa pandaigdigang merkado nitong buwan ng Pebrero.
Batay sa United Nation Food Agency, ito’y matapos makapagtala ng 24.1% na pagtaas kasunod ng pagsipa ng presyo ng mga dairy product at vegetable oil.
Ayon sa Food Price Index ng Food and Agriculture Organization o fao na nagmo-monitor sa Globally Traded Food Commodities, naitala ang 140.7 average na puntos nitong Pebrero, mas mataas sa 135.4 points noong Enero.
Ilan naman sa dahilan ng pagtaas ng presyo ng pagkain ay ang patuloy na krisis sa COVID-19. —sa panulat ni Airiam Sancho