Umapela ang isang konsyumer group sa Department of Trade and Industry (DTI) na tiyaking nasusunod pa rin ang Suggested Retail Price (SRP) sa mga pangunahing bilihin.
Ito’y ayon sa grupong laban konsyumer ay kasunod ng pagkakapaso ng 60 na price freeze noong Hulyo 9 dahil sa epekto ng African Swine Fever sa bansa.
Ayon kay Laban Konsyumer Inc. Lead Convenor Atty. Vic Dimagiba, hindi nito dapat payagan na tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin dahil tiyak talo rito ang mga konsyumer.
Una rito, ipinaalala ng DTI na umiiral na muli ang SRP sa mga pangunahing bilihin sabay pagsasabing ikinu-konsidera na nitong buksan ang usapin hinggil sa umento sa presyo.