Mahigpit nang binabantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa pamilihan, grocery stores at supermarkets.
Ito ay matapos maglabas ang DTI ng suggested retail price sa mga pangunahing bilhin lalo na sa mga school supplies, kasabay ng pag-arangkada ng face-to-face classes.
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, dapat nilang tiyaking nasusunod ng mga nagtitinda ang ipinapatupad na srp alinsunod sa Republic Act 7581 o Price Act.
Tiniyak naman ng kalihim na mahigpit na babantayan ang mga nananamantala o yung mga lumalabag sa price freeze kasunod ng deklarasyon ng state of calamity o emergency.