Inihayag ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na posible pang tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni TUCP spokesman Allan Tanjusay na isa sa magiging dahilan ng pagtaas ng bilihin sa bansa ay bunsod ng posibleng pagbagsak ng purchasing power ng mga manggagawa o ang kawalan ng kakayahang makabili ng mga produkto at serbisyo bunsod ng mababang kita o sahod.
Ayon kay Tanjusay, nasa mahigit 4% ang inflation rate ng bansa noong buwan ng Marso ngayong taon dahil narin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. — sa panulat ni Angelica Doctolero