Inatasan na rin ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos ang mga kapulisan na bantayan ang presyo ng mga pangunahing produkto sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette.
Ito ay upang makatulong sa Department of Trade and Industry (DTI) sa pagpapairal ng “price freeze” sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity.
Saklaw ng prize freeze ang mga pangunahing bilihin gaya ng bigas, canned goods, karne ng baboy, baka, at manok; itlog; gatas; gulay, kape, asukal, mantika, asin at “essential” na gamot.