Mataas pa rin ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa Commonwealth Market sa lungsod ng Quezon.
Mababatid na tumaas ang presyo ng mga gulay gaya ng patatas na ngayo’y nasa P140 na kada kilo; carrots ay naglalaro ang presyo sa P100 hanggang P120; P120 naman hanggang P140 ang kada kilo ng talong.
Sa kabila nito, bahagya namang bumaba ang presyo ng kangkong na mabibili sa P10 kada tali ngayon na dati’y P20 kada tali.
Sa mga balak namang bumili ng karne, naglalaro ang presyo ng manok sa halagang P16 kada kilo; P200 hanggang P300 kada kilo naman ang baboy; at P380 naman ang kada kilo ng baka.
Habang ang mga isda naman gaya ng galunggong ay nasa P240 ang kada kilo; tilapia sa P120 kada kilo; at bangus ay naglalaro ang presyo sa P130 hanggang P190.