Binabantayan na ng Department of Trade and Industry o DTI ang posibleng paggalaw sa mga pangunahing bilihin sa lungsod ng Marawi.
Kasunod nito ang rehabilitasyon at pagbangon ng mga residente sa Marawi matapos ang halos limang buwang bakbakan.
Tiniyak ni DTI Undersecretary Teodoro Pascua na patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa lokal na pamahalaan para matutukan ang presyo ng pagkain pati na rin ang mga construction materials na gagamitin sa pagsasaayos ng mga nasirang gusali.
—-