Tumaas ng 6% ang presyo ng basic goods o mga pangunahing bilihin sa merkado.
Ayon kay Steven Cua, presidente ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association (PAGASA), tumaas sa average na 4% hanggang 6% ang presyo ng pangunahing pangangailangan at bilihin habang ang iba pang mga produkto katulad na lamang ng facial cream at body lotion ay tumaas ng 8% hanggang 15%.
Sinabi ni Cua mataas na logistics at production cost ay bunsod ng pagtaas ng presyo ng langis, gasolina, maging ang shipping, cargo at power cost. —sa panulat ni Angelica Doctolero