Bahagyang tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin ngayong buwan ng Hulyo.
Ayon sa Department of Trade and industry (DTI), kabilang sa mga pangunahing bilihin na nagmahal ay ang kape, sabong panlaba at mga sawsawan.
Batay sa monitoring ng DTI, nasa P0.10 hanggang P0.20 ang itinaas ng presyo ng kada 25 gramo ng kape.
Ang sabong panlaba naman, nasa P1 hanggang P1.17 ang iminahal habang nasa mahigit P2 naman ang umento sa presyo ng sabong panligo.
Maliban dito, nasa P0.10 hanggang P0.35 naman ang itinaas sa presyo ng toyo, suka at patis.
Samantala, nananatili namang stable ang presyo ng gatas, instant noodles at mga delata.
By Ralph Obina