Posibleng walang ipatupad na price adjustment ang mga kumpaniya ng langis ngayong linggong ito.
Batay sa mga source sa industriya, ito’y dahil sa maliit lamang ang naging paggalaw sa presyo ng langis sa world market nitong nakalipas na trading week.
Sa pinakahuling monitoring, nasa 15 sentimos ang posibleng ibaba sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Habang tig 10 sentimos naman ang posibleng itaas sa presyo ng kada litro ng diesel gayundin naman sa kerosene.