Asahan na ngayong linggo ang panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Batay sa mga source ng Department of energy, maglalaro sa sisenta hanggang sitenta sentimos ang tapyas presyo sa kada litro ng gasolina.
Kwarenta’y singko hanggang sisenta’y singko sentimos sa diesel at singkwenta hanggang sisenta sentimos sa kada litro ng kerosene.
Ito na ang ikalawang sunod na linggong rollback sa presyo ng mga oil product ngayong buwan.