Muling nagpatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya.
Alas-10:01 ng gabi nang tapyasan ng Unioil ng P1.05 ang kada litro ng gasolina habang P0.15 sa diesel.
Tinapyasan din ng P1.05 ang kada litro ng gasolina ng Petron, Shell at Seaoil habang P0.15 sa diesel at P0.20 sa kerosene epektibo alas-12:01 kaninang hatinggabi.
Kaninang alas-6:00 naman nang magpatupad din ng P1.05 rollback sa presyo ng gasolina at P0.15 sa diesel ang Phoenix Petroleum Philippines at PTT Philippines;
Nobenta’y singko sentimos (P0.95) sa presyo ng gasolina ng Flying V habang P0.10 sa diesel at P0.20 sa kerosene.
By Drew Nacino