Nagbabadya na namang sumipa ang presyo ng mga produktong petrolyo na maaaring maganap sa susunod na linggo.
Ayon sa source ng DWIZ mula sa oil industry, muling tataas ang halaga ng gasolina sa ikalimang sunod na linggo kung saan ang dagdag-presyo ay maglalaro sa P0.25 hanggang P0.35 bawat litro.
Magmamahal din ang diesel ng P0.20 hanggang P0.30 bawat litro.
Maliban dito, tataas naman ng P0.15 hanggang P0.20 ang kada litro ng kerosene o gas.
Pumapalo na sa P2.45 ang itinaas ng presyo ng gasolina mula noong Hulyo 25, taong kasalukuyan.
By Gilbert Perdez