Muling nagpatupad ng taas-presyo sa kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis.
Epektibo alas-12:01 kaninang hatinggabi nang ipatupad ng Shell Pilipinas ang P0.35 increase sa kada litro ng gasolina at P0.15 sa diesel.
Nagpatupad din ng kahalintulad na price increase ang Eastern Petroleum; Total; Phoenix at Petron, epektibo kaninang alas-6:00 ng umaga habang walang paggalaw sa presyo ng kerosene.
Ito na ang ikalimang bugso ng oil price hike sa nakalipas na limang linggo o simula noong Abril.
By Drew Nacino | Jopel Pelenio (Patrol 17)