Ilalarga na ngayong umaga ng mga kumpanya ng langis ang panibagong price increase sa kanilang mga produkto.
Epektibo ala 6:00 mamaya ipatutupad ng Jetti Petroleum, Petron, Total, Phoenix petroleum, Shell, Flying V. at Petro Gazz ang 35 sentimos na dagdag presyo sa kada litro ng Diesel;
Kwarenta sentimos sa gasolina at sitenta sentimos sa kada litro ng kerosene o gaas.
Ito na ang ikalawang sunod na linggong magpapatupad ng oil price increase ngayon lamang Hulyo.
Ang panibagong paggalaw sa presyo ay bunsod ng price hike sa international market.