Muling magpapatupad ng dagdag presyo sa kanilang mga produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis bukas Enero 16, bukod pa sa ipinapataw na excise tax sa langis dahil sa TRAIN Law.
Ayon sa source ng DWIZ sa industriya ng langis, aabot sa P0.80 hanggang P0.90 ang taas presyo na inaasahan sa kada litro ng gasolina.
Maglalaro naman sa P0.40 hanggang P0.50 ang posibleng taas presyo sa kada litro ng diesel at kerosene o cooking gas.
Dahil dito, posibleng umabot na sa mahigit P3 hanggang halos P4 ang panibagong dagdag presyo sa kada litro ng langis na ibinebenta sa mga gasolinahan kasama na ang ipinapataw na excise tax.
Magugunitang nasa P2.97 ang ipapataw na excise tax sa presyo ng kada litro ng gasolina habang nasa P2.80 naman ang ipinapataw na excise tax sa kada litro ng diesel.
—-