Wala pang paggalaw sa presyo ng mga bilog na prutas sa Binondo, Manila ilang araw bago ang pagsalubong sa bagong taon.
Sa ngayon, naglalaro sa ₱40 ang presyo ng kada piraso ng peras, habang nasa ₱50 kada piraso ang presyo ng Fuji apple, at aabot sa ₱50 hanggang ₱100 ang presyo ng kada piraso ng orange.
Nasa ₱100 naman ang presyo ng kada tatlong piraso ng kiwi, habang nasa ₱100 din ang kada apat na piraso ang ponkan at lemon.
Kaugnay nito, aabot sa ₱150 kada kilo ang presyo ng suha at melon, habang nasa ₱180 kada kilo ang presyo ng honeydew, at nasa ₱400 hanggang ₱500 ang presyo ng kada kilo ng grapes.
Nasa ₱1,500 naman ang presyo ng kada kilo ng cherries, at ₱300 ang presyo ng kada 1/4 kilo ng blueberries.
Paliwanag ng mga nagtitinda, sa Biyernes pa inaasahang magmamahal ang presyo ng mga prutas. - sa panulat ni Charles Laureta